jhenz0721 » Pro Moderator
Honors : 122 Age : 39 Location : Quezon City, Philippines Warnings : FW Mood: : Honors : 58480 Registration date : 2008-11-18
| Subject: Di Ko Alam Tue Nov 25, 2008 10:56 pm | |
| Noong unang makita ka, agad akong nabighani; Sa lagkit ng iyong sulyap at tamis ng iyong ngiti. Di ko sukat akalain sa isip ko’y di mawari; Kung bakit ay di ko alam ika’y biglang itinangi. Sa simula’y di ko pansin di ko rin alintana; Akala ko’y isa lang itong karaniwang paghanga. Ngunit aking natuklasan baka di ka maniwala; Iniibig pala kita ang sigaw ng puso ko’t diwa. Kapag ika’y kapiling ko, nadarama ay ligaya; Ang puso ko ay kay lungkot kapag di ka nakikita. Sa haplos ng iyong palad nawawala ang pangamba; Kaya nga ba araw gabi ikaw ay nasa alaala. Hindi ko naman hinihingi ang iyong pagmamahal; Masaya na ang puso ko kahit na konting pagtingin lang. Dahil aking natatanto paglipas ng mga araw; Ang konti ay darami rin kung sa tuwina’y daragdagan. Ang aking nadarama’y isang baliw na pagmamahal; Kaya nga ba pinilit kong supilin ang kahibangan. Ngunit lalong tumitingkad pag-ibig na sadyang tunay; Kung papaano pipigilin di ko alam, di ko alam. | |
|